Monday, March 17, 2008
VOLTA OF PHILIPPINE SENATE
Kilala nyo na ba ang Volta ng Senado?
Other call her as Kuryente Girl! Hehehe.
She's one of the fastest thinker of the Senate. Isang pisil mo lang at may conclusion na agad ito. Aba! Kasing bilis ng kidlat di b? At the end of her conlusion, siya din ang makukuryente.. Basta nasa harap ng kamera, feeling superstar na. Kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig.
Di na kaylangang siraan at ipahiya pa si Honorable Senator Madrigal kasi siya na gumagawa nun sa sarili nya.
Here is the real score..
Ipinamalas minsan ni Honorable Senator Jamby Madrigal ang kanyang extra-ordinary power ng ipahayag nya na "FG" na nakasulat sa margin ng isang ZTE-document ay tumutukoy sa First Gentleman Mike Arroyo. FG as in First Gentleman. Biglang lumakas at umingay si Honorable Senator Jamby Madrigal. Hawak nya na nya ang pinakamatibay na ebidensya na involve si First Gentleman Mike Arroryo sa ZTE deal. Naka-BINGO si Honorable Senator JAmby Madrigal!. Great work!
Suddenly, the story changes its track. Meron palang I after ng FG. So, FGI pala yung nakasulat ng totoo dun na nawala sa kopya nya. Ang malas naman. Baka inisip ni Honorable Senator JAmby MAdrigal na FGI means First Gentleman and Iggy..HEhehehe...
FGI really stands for Florante G. Igtiben (FGI) na chief of the Asia Pacific Division of the Public Investment Staff na naatasan magsiyasat ng mga proyekto ng pinondohan ng China.
Aba...si Honorable Senator Volta, di man lang nag-sorry at nasisi pa ang opisyales ng Chinese Embassy.
Matigas talaga si Honorable Senator JAmby. Nagpahayag pa ng statement si Honorable Senator na "nawawala or di mahanap" and isang MOA dated April 27, 2005 sapagitan ng PNR at CNTIC (China National Technical Import-Export Corporation). Nilinaw naman ni
PNR General Manager Jose Ma. Sarasola II, na walang ganung klase ng dokumento na napagkasunduan. Paano naman mawawala ang isang dokumento na di nag-exist?
Ayun, nalaman din ni Honorable Senator na iba pala ang MOA(Mall of Asia...este Memorandum of Agreement) sa MOU (Memorandum of Understanding). Iba pala ang hinahanap ni Honorable Senator Jamby kaya di nya makita...at kahit sino ay walang makakakita nun. Ang tinutukoy pala ni Honorable Senator ay ang MOU noong November 15, 2002 between PNR, CNTIC and CMC.
Sa Bureau of Customs naman, nagparatang ulit ng overpricing si Honorable Senator Jamby Madrigal. Maanomalya daw ang pagbili ng X-ray Scanning Machine ng BOC. Si Atty. Lourdes Managoang, pinuno ng BOC Xray Scanning project ay nagpaliwanag na ang Xray Machine ay binili under the BOC's Non-Intrusive Container Inspection System Project (NCISO) kung saan mas napapabilis ang pag scan ng mga kargamento ng buong kahusayan. Mapapalakas din ang pag inspect ng pagpasok ng mga baril at droga sa bansa.
Naka-score na naman si Honorable Senator Jamby Madrigal, bakit daw magkaiba ang presyo kahit pareho ito ng brand (Nuctech). Ayong kay Mangaoang, ang binili ng BOC ay mga advance models ng Nuctech. In short, may overpricing kapag bumuli ka ng Nokia3310 against sa NokiaN70. Same model...di b? Dyosme!
Bakit daw 30 machines pa ang kaylangan, samantalang isa lamang ang nasa-LA. Good strike Honorable Senator Jamby Madrigal. Sana naisip nya na Philippines has 7,107 islands. Ang sana, binilang nya ang X-ray machine ng buong USA muna. Para kasing sinabi nya na, bakit kaylangan ng 30 machine sa buong Pilipinas, samantalang 1 lang ang ginagamit sa Jolo?
Buti talaga, di ko ito naiboto. My vote is the reflection myself..............
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment